Saturday, October 31, 2009

Kalokohan ng DepEd

Suspensyon?  Hai, nahuli na naman ang DepEd sa pag-aanounce ng suspensyon ng mga klase.

Umagang-umaga, may sakit pa ako, kulang sa tulog (lahat naman ata ng mga estudyante), nalate ng gising, at lahat na ng kamalasan ay sumunod. Di nakapag ayos ng buhok, di naayos ang bag, walang panyo, at kung anu-ano pa.

Pagdating ko ng eskwelahan, lahat palayo ang punta. Parang may sunog na nagaganap. Ang pagkakaiba lang ay masaya lahat. Maliban sa akin. Suspendido pala lahat ng klase. Sayang lahat. Sayang.

6 comments: