(Ang Pag-ibig)
Minsan lamang magmahal ang isang tao. At mas minsan lamang sa minsan kung magmahal ang tao ng tunay. Mahirap hanapin ang tunay na pag-ibig sa mundo, ngunit anong saya pag natagpuan natin ito at tanggapin sa ‘ting buhay.
Bata pa lamang tayo, ay maaring meron na tayong mga nagugustuhan. Maaring artista, kapitbahay, o madalas nga ay kaklase pa. Habang tumatanda ay mas natututo tayong magmahal ng seryoso: mas nagiging malalim ang relasyon na namumuo at mas nagiging masakit ang mga hiwalayan. Natututo din tayong masaktan, at kada karanasan ay isang pagsubok upang muling bumangon at ituloy ang buhay; maaring maging mahirap ang proseso ngunit ang bunga ay sadyang napakasarap.
Dumarating na lamang ang panahon kung saan mahahanap din natin ang taong tunay na mamamahal sa atin: maaring ‘di ngayon, at sa makalawa, pero darating pa rin ang panahong iyon at kailangan tayong maging handa sa lahat ng pagsubok. Kailangan maging matatag sa lahat ng kahaharaping problema at magkaroon lamang ng tiwala sa bawat isa.
‘Di madaling magmahal: para itong isang byahe na ‘di pwedeng bumitaw at kailangang i-enjoy ang bawat hinto at pagandar ng sasakyan. Maaring ma-traffic sa byahe, basta ang mahalaga ay magkasamang nagmamahalan.
_______________________________________________________
(The Love — the revised version)
People seldom fall in love. And true love is more seldom to us people. Hard to find is true love in this world, but what a joy if we find it in our lives and readily accept it.
We’re still children, but we already adore people. They might be artists, our neighbors, and most of the times our classmates. While we grow up, we learn more how to love seriously: deeper are the relationships formed and break-ups are saddening. We also learn how to be hurt and every experience is a great challenge for us to stand-up again and continue living; hard might be the process but the fruit is another life for us.
There will come a time in which we would find the person who would love us truly: maybe not today, or tomorrow, but I know he/she will still come and we need to be ready for all the downs we will pass through. Trust should be ours and strength shall ne’er be lost in our lives.
It is not easy to love: it is a journey that you can’t let go easily but you need to enjoy every stop and go of the ride. The ride might be slow, but what is important is that you are together, loving each other.